Monday, April 18, 2011

Ilang beses nga ba pwedeng magpatawad?

PAGPAPATWAD- yan ang isang bagay sa buhay ko na ilang beses ko na ata ginawa. hindi lang sa isang tao na mahalaga sakin kundi pati narin sa karamihan na mahal ko at tingin ko naman eh mahal ako. pero sabi nga ni Lord sa Bible, ang pagpapatawad daw dapat unlimited, although binigyan Nya ito ng numerical value, pag kinuha mo yong product eh parang ganon din, napakalaking number na parang wagas na forgiveness din yong kalalabasan. kaso sa panahon ngayon, kahit ilang beses natin sabihin sa sarili natin na yong sasabihin ng ibang tao eh won't matter, hindi ba't maapektuhan tayo kapag nagsimula na umarangkada yong mga gossip monger ng lipunan na kung san tayo nabibilang? at aminin man natin o hindi, alam na alam ko na masasaktan tayo pag sinabe nilang, "ANO BA YAN, ANG TANGA NYA EH NOH?" Lulunukin nalang ba natin yong pride na meron tayo para lang maging masaya kung sa kabila nang lahat alam na alam natin sa sarili natin na magiging superficial lang yong happiness pag hindi mo pinatawad yong isang tao dahil na rin sa mas malaking percent na inisip natin yong mga prejudices ng tao.

Mahirap mag decide. Mahirap magpadalos- dalos. Sabe nga, think twice or even thrice bago ka tuluyang magbitaw ng final verdict, para bang, it's now or never, it's do or die. Eh bakit minsan lalo na sa love eh nasaktan na tayo't lahat, niloko, pinag mukang tanga at pinagpalit agad eh atat tayong patawarin ang isang tao oras na bumalik ito? Kung meron lang rewind na makikita mo talaga, mararamdaman mo yong sakit ulit nung una kang may nabasa sa facebook tungkol sa bago nyang lovelife, yong pakiramdam na ang hirap huminga, nanlamig ka pero sa kabila ng lahat ng sakit na nararamdaman mo, patuloy mo pading tinitignan yong facebook nya (masokista eh?) tapos sa mga susunod na araw twing mag oopen ka ng facebook, andon na yong slight trauma na baka may makita ka na naman. kung pwede mo lang balikan yong araw na may nagtext sayo, "oy kayo pa ba?" tapos alam na alam mo na may ibabalita sila na hindi maganda (mga tao naman, piliin nyo yong ibabalita nyo, kung may na discover kayo, kung may nakita kayo, keep it to yourself, cause you don't know how hard it is to receive news like that), mas malala pa eh yong harap harapan may magkukuwento sayo na "ay, nakita ko si ____, may kasamang iba tapos holding hands pa) at ikaw naman engot na, "oo, wala na kami, haha. buwisit sha eh! pero sa loob- loob mo lang gustong gusto mo ng umiyak. yong wala kang gana gumawa ng kahit ano kase pilit mong i rarattle yong utak mo san ka nagkamali, san ka nagkulang. human nature natin na mag point ng finger sa isang tao para i- blame pero wag natin sagarin ang katangahan, kahit anong sabihin nya na nagkulang ka sa ganitong aspeto blah, blah, hindi ba't mas madaling isipin na.. KUNG MAHAL KA TALAGA NYA, WALANG MANGYAYARENG LOKOHAN. Ano pa sasabhin nya, "weak kase ako...sorry!" haha. nakakatawa. alam naman pala sa sarili na weak eh, bakit kailangan isabuhay. sobrang patawa. O hindi ba pag naramdaman mo ulit yang mga ganyang pakiramdam eh magdadalawang isip ka na tanggapin ulit ang isang tao kahit mahal na mahal mo?

Ang sakin lang, wag magmadali, wag magpadalos- dalos. Tanggapin mo ang isang tao kung kelan totoong handa ka na. Hindi yon basta- basta mangyayare. Pag tinanggap mo ang isang tao at pinatawad sha, andon na yong kahit kelan wala ka ng isusumbat sa kanya, hindi yong pag nag- away kayo ulit eh, hahalungkatin mo lahat ng pwedeng mahalungkat para lang maipagtanggol mo yong sarili mo. Yon ang isang pagkakamali na hindi dapat gawin kase walang lang mangyayare sa relationship nyo. Mahirap magtiwala ulit, alam na alam ko yon, pero kung talagang mahal mo ang isang tao, magagawa mo lahat. pero gaya ng sinabe ko, it really takes time. time to forgive, time to heal. It is really a painful experience when the one you love so much betrays you and simply forgets all the fun times you have together. magdasal ka kay Bro na mabigyan ka ng PRUDENCE-- yan ang kailangan ng isang taong naguguluhan. basta ang sakin lang, wag mo palampasin ang taong mahal mo dahil kahit kung kani- kanino mo ipagsaksakan ang sarili mo (mas good- looking, mas mayaman, mas mabait, mas matalino, mas matino, mas FAITHFUL)kung walan naman nung X- FACTOR na nagbibigay ng magic eh wala lang din.

kaya last words from me: ilang beses nga ba pwedeng magpatawad..

UNLIMITED YON. :)

No comments:

Post a Comment